MR ni Kwok binasura ng DOJ
MANILA, Philippines - Iginiit kahapon ni DDB chairman at PASG head Secretary Antonio Villar Jr. na ‘vindicated’ ang PASG sa naging desisyon ng Department of Justice (DOJ) na pinal na nagbabasura sa apela ng kampo ni suspected diamond smuggling queen Alpha Kwok.
Sinabi ni Sec. Villar, nagpapatunay lamang na tama ang PASG matapos tuluyang ibasura ng DOJ ang apela ng kampo ni Alpha Kwok.
“The decision was a sort of vindication for the agency in its untiring efforts to combat the problem on smuggling besetting the country,” paliwanag pa ni Villar.
Nitong June 11 ay tuluyang ibinasura ng DOJ ang motion for reconsideration ng kampo ni Kwok para sa automatic review ng kasong isinampa ng PASG laban sa suspected diamond smuggling queen.
Kinasuhan si Kwok ng smuggling matapos makumpiskahan ito noong Agosto 2009 ng P250 milyong halaga ng mga smuggled na diamonds sa kanyang condominium unit sa Pasig City.
Ikinatuwa din ni PASG director Jeffrey Patawaran ang naging desisyon ng DOJ kaugnay sa kasong isinampa nila laban kay Kwok.
- Latest
- Trending