^

Bansa

Mag-utol natusta sa sunog

- Ni Christian Ryan Sta. Ana -

SAN JOSE CITY, Nueva Ecija , Philippines  – Kapwa nasawi ang dalawang magkapatid na babae, edad 10 at 6 na taong gulang, makaraang maiwang natutulog sa kanilang nasunog na bahay sa loob ng Abar Rice Mill sa Barangay Abar 1st, dito, kamakalawa ng madaling araw.

Sa ulat ni P/Supt. Sidney Villaflor, hepe ng PNP dito, nakilala ang mga biktimang sina Christine Portacio, 10, incoming grade 4 student; at Chrizenie Portacio, 6, kindergarten pupil sa pasukan.

Sa imbestigasyon na dakong alas-2:30 ng madaling araw nang maganap ang sunog sa kanilang bahay na isang semi-concrete house o gawa sa hollow blocks at mga kahoy.

Inaalam pa ng pulisya kung nasaan ang ama ng mga bata nang mangyaring ang insidente at kung bakit hindi nito nakuha ang mga bata. Nakilala ang tatay ng namatay na magkapatid na si Alfredo Portacio y Sarmiento, 54, may-asawa at isang fishpond caretaker.

Sa tantiya ng BFP ay aabot sa P6,000 ang halaga ng nasunog na bahay habang inaalam pa ang pinagmulan nito.

vuukle comment

ABAR RICE MILL

ALFREDO PORTACIO

BARANGAY ABAR

CHRISTINE PORTACIO

CHRIZENIE PORTACIO

INAALAM

KAPWA

NAKILALA

NUEVA ECIJA

SIDNEY VILLAFLOR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with