MANILA, Philippines - Nakapili na si President-elect Benigno Aquino III ng kanyang magiging hepe ng Presidential Security Group (PSG).
Sinabi ni Aquino, ang magiging hepe ng kanyang PSG sa pag-upo sa Malacañang sa July 1 ay si Col. Ramon Dizon na miyembro ng Philippine Military Academy (PMA) Class 1983.
Wika pa ni Pangulong Noynoy, nagsilbi si Dizon sa kanyang yumaong ina na si dating Pangulong Cory Aquino sa loob ng 2 taon at kasamang dumipensa sa Malacañang ng magkaroon ng kudeta noong 1989.
“Initially I first met him when he was part of PSG during my mom’s time. He has proven himself competent in all assignments he had to handle. And the assignments were not clerical positions,” paliwanag pa ni Aquino.
Si Dizon ay miyembro ng Philippine Army’s Joint Special Operations Group at nagsilbi din sa loob ng 6 na taon kay Pangulong Ramos sa PSG hanggang sa termino ni Pangulong Erap Estrada.