Full operation ng LRT extension, administrasyon ni President Noynoy matatapos

MANILA, Philippines - Sa administrasyon na ni President-elect Noynoy Aquino matata­pos ng kontraktor ng Light Rail Transit ang Line 1 extension nito mula Monu­mento sa Ca­loocan hang­gang North Avenue sa Que­zon City na dudug­tong sa kasalukuyang Metro Rail Transit 3.

Ito naman ang ki­numpirma ni LRT Authority general manager Mel Robles na sa term na ni Aquino marara­nasan ng mga naghihin­tay na pasahero na makasakay ng diretso mula Baclaran station ng Line 1 hang­gang North Avenue.

Kasalukuyang, ang Balintawak station pa lamang ang binuksan sa publiko ng LRTA habang patuloy pa ang konstruk­syon nito dahil sa wala pang mga escalators at elevators.

Sa “timetable” ng LRTA, unang pinaplano na magkaroon ng “soft opening” nitong nakara­ang Pebrero ngunit ini­atras dahil sa kaba­galan ng konstruksyon ng kontraktor nito.

Nakatakda rin sa­nang buksan nitong naka­raang Marso ang Roose­velt station ngunit hindi naisakatuparan.

Sa “project duration” ng proyekto, nag-um­pisa ang kontruksyon nito noong Mayo 2007 at inaasahang matata­pos ng Abril 2010.

Ngunit dahil sa mga nakaharap na problema sa konstruksyon, ina­asa­hang sa kalagitnaan pa ng taon matatapos ang mga istasyon ha­bang naka-iskedyul na­man na matapos ang “common station” sa darating pang Nobyem­bre.

Nagkakahalaga ang naturang proyekto ng P7 bilyon na inaasa­hang maseserbisyuhan ang nasa 1.2 milyong mga pasa­hero.

Show comments