MANILA, Philippines - Naniniwala si Justice Secretary Alberto Agra na makakamit niya ang kanyang programang zero backlog ng mga nakabinbing kaso sa DOJ hanggang sa June 30.
Sinabi ni Sec. Agra, mahigit sa kalahati ng nakabinbin na kaso sa kanyang tanggapan ay naresolba sa kanyang halos 4 na buwang panunungkulan.
Nagpalabas ng bagong rules si Agra para sa automatic review ng mga anti-smuggling at drug cases at ang consolidated rules sa hold departure order, watchlist at allow departure orders.
Target ni Agra ang zero backlog ng mga kasong motion for reconsideration sa Department of Justice (DOJ) bago siya bumaba sa puwesto sa June 30.