Neophyte solons suportado si SB

MANILA, Philippines - Pinangunahan ni Quezon City Rep. Wins­ton “Winnie” Castelo ang grupo ng mga neophyte congressmen na nagtutulak ng pagbabago sa Kamara at sumusuporta sa pagiging speaker ni QC Representative at outgoing QC Mayor Feliciano Belmonte Jr.

Kasama si newly elected Marikina Rep. Miro Quimbo, pinulong ni Castelo ang mga bagong mambabatas na magsusulong ng pagbabago sa Kamara at susuporta sa pagiging House Spekaer ni Rep. Belmonte.

Bukod kay Castelo at Quimbo ang grupo ay kinabibilangan din nina Jorge Banal ng QC, Dakila Cua ng  Quirino, Eleanor Begtang ng Apayao, Hadjiman Hataman-Saliman ng  Basilan, Arnel Ty ng LPGMA, Imelda Calixto Rubiano ng  Pasay City, Sandy Ocampo ng Manila, Lucy Torres-Gomez ng  Leyte, Bernadette Herrera ng  Bagong Henerasyon, Edwin Olivares ng  Parañaque, Antonio Rafael Del Rosario ng  Davao Del Norte, Linabelle Villarica ng Bulacan, Arnel Cerafica ng Taguig-Pateros, Randolph Ting ng  Cagayan, at  Eric Owen Singson ng  Ilocos Sur.

“Hinihikayat namin ang iba pang baguhang mambabatas na suportahan ang reform agenda,” ani Castelo.

Samantala, sinabi naman ng samahan na kanilang  susuportahan ang lider ng Kongreso na susuporta sa plataporma ng pagbabago ni Aquno.

Show comments