^

Bansa

Conflict of interest sa Petc dapat patunayan - Petcoa

- Butch M. Quejada -

MANILA, Philippines - Hinamon ng Private Emission Test Center Operators Association (Petcoa) si Macario Evangelista, technical director ng Association of Petc Owners for Environment Protection na patunayan kung may conflict of interest ang ilang private emission test center sa mga IT providers.

Ayon kay Tony Halili, pangulo ng Petcoa, pakawala umano si Evangelista ng mga nag-direct connect sa  Stradcom, ang IT provider ng LTO dahil nahuli na umano ito ng mga IT Providers at ng Coalition of Clean Air Advocates (CCAA)  na nagsasagawa ng non-appearance.

Nabatid na noong nag-umpisa ang direct connect ng Stradcom ay lumipat si Evangelista at naghihikayat pa umano ito na gumawa ng non-appearance na kumabit sa Stradcom. Kung tutuusin ayon kay Halili, ang Stradcom ang may conflict of interest dahil sila na ang IT provider ng LTO, sila pa rin ang IT provider ng Petc na naka-direct connect sa kumpanya at dito nadodoble ang bayad sa kanila ng mga emission centers.

Binigyang diin ni Halili na sila at ang mga IT providers kasama ang LTO-Petc monitoring team at CCAA sa pagdidisiplina sa mga tiwaling emission centers upang tuluyan nang mawala ang modus operandi ng mga nag-non appearance.

Nagbanta din ang grupo nito na handa nilang sampahan ng kasong libel si  Evangelista dahil sa mga maling paratang nito.

ASSOCIATION OF PETC OWNERS

COALITION OF CLEAN AIR ADVOCATES

ENVIRONMENT PROTECTION

EVANGELISTA

HALILI

MACARIO EVANGELISTA

PETC

PETCOA

STRADCOM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with