^

Bansa

Payo sa mga third sex, 'wag ng magpunta sa Saudi - CBCP

- Ni Mer Layson -

MANILA, Philippines - Hinikayat ng isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang mga homosexuals na huwag na lamang magtungo sa Saudi Arabia bunsod na rin ng ban laban sa mga ito.

Ayon kay Father Edwin Corros, executive secretary ng Episcopal Commission on Migrant and Itinerant People ng CBCP, nakarating na sa kanila ang balita hinggil sa “diskriminasyon” sa Saudi laban sa mga bading, at sinabing talagang may mga bansa na nagpapatupad ng mga ganitong batas, kaya’t nirerespeto nila ito.

Kasabay nito, pinayuhan pa ng CBCP official ang mga bading na huwag na lamang mangibang-bansa, partikular sa Saudi Arabia, para na rin sa kanilang kapakanan.

Mas makabubuti rin aniya kung sa ibang bansa na lamang na walang diskriminasyon magtu­ngo ang mga homosexuals.

Samantala, naniniwala si Corros na ang kawalan ng job opportunity sa bansa ang dahilan kung bakit maraming Pinoy ang napip­ilitang mangi­bang-bayan upang maghanap ng pagkakakitaan.

Bagamat hindi pa rin umano nila alam sa ngayon kung ano ang mga programa ng susunod na administrasyon, umaasa si Corros na makakasama dito ang job program, at pagtuunan ng pansin ang job creation upang wala ng Pinoy na ka­ilangan pang umalis ng Pili­pinas. (=

AYON

CATHOLIC BISHOPS

CONFERENCE OF THE PHILIPPINES

CORROS

EPISCOPAL COMMISSION

FATHER EDWIN CORROS

MIGRANT AND ITINERANT PEOPLE

PINOY

SAUDI ARABIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with