^

Bansa

Bakla, tomboy bawal na sa Saudi!

- Ni Ellen Fernando -

MANILA, Philippines - Mahigpit nang ipagbabawal ng gobyerno ng Saudi Arabia ang pagtanggap ng mga dayuhang manggagawa kabilang na ang mga OFWs na tomboy, bakla o tinatawag na bisexuals at transgender.

Sa memorandum ng Royal Embassy ng Saudi Arabia sa Manila, inaatasan nito ang lahat ng accredited recruitment agency na i-screen na mabuti ang kanilang aplikante patungong Saudi at tiyaking walang makakapasok na manggagawang bading, tomboy o bisexual at transgender.

Ito’y kasunod ng mga pag-aresto sa may 67 Pinoy na nakadamit babae sa isang pagtitipon at ang ginawang “gay pageant” ng mga Pinoy noong Marso sa Riyadh.

Nagbabala pa ang Saudi government sa mga recruitment agencies na sakaling may napalusot na bading o tomboy ang mga ito ay agad na mapapatawan ng parusa gaya ng permanteng pagtanggal o pagsibak sa agency na lumabag sa memorandum.

MAHIGPIT

MARSO

NAGBABALA

PINOY

RIYADH

ROYAL EMBASSY

SAUDI

SAUDI ARABIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with