^

Bansa

Pinoy kalaboso sa pamboboso sa UAE

- Ni Ellen Fernando -

MANILA, Philippines - Isang Pinoy ang hinatulan ng pagkabilanggo sa United Arab Emirates (UAE) dahil sa lihim na pagvi-video nito sa isang 28-anyos na Pinay habang naliligo.

Ayon sa report ng Khaleej Times, sinentensyahan ng anim na buwang pagkakakulong ng Court of First Instance ang 29-anyos na Pinoy legal accountant na hindi muna pinangalanan. Sa salaysay ng Pinay sa korte, naganap ang insidente noong Pebrero 4, 2010 habang nasa loob siya ng banyo dakong alas-8 ng umaga para maligo bago siya pumasok sa trabaho.

Napansin ng Pinay ang isang nakasabit na basahan sa pintuan at ng kanyang usisain ay nadiskubre na may nakakabit at nakadikit dito na iPhone. Gumagana ang naka-pin na cellphone habang may maliit na butas ang basahan na eksakto sa bilog ng camera nito at natatakpan pa ng mga ilang damit upang hindi mahalata.

Nang tingnan niya ang laman ng iPhone ay napag-alamang may naka-install nang 31 minutos na video clips ng mga babaeng hubad.

Inamin naman ng akusado na pag-aari nito ang iPhone at nagawa niyang isabit ito sa toilet at paganahin ang video mode upang makunan ang mga babaeng pumapasok sa nasabing banyo.

vuukle comment

AYON

COURT OF FIRST INSTANCE

GUMAGANA

INAMIN

ISANG PINOY

KHALEEJ TIMES

NANG

NAPANSIN

PINAY

UNITED ARAB EMIRATES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with