^

Bansa

Peace nego ng govt at MILF tuloy

- Ni Ellen Fernando -

MANILA, Philippines - Upang maisakatu­pa­ran ang pinakamimithing kapayapaan sa bansa, sinabi kahapon ni Government Panel Chairperson Rafael E. Seguis na kaila­ngan ang patuloy na pagtuon at pagtitiyaga sa pakiki­pag-usap sa Moro Islamic Liberation Front.

Kasunod ito sa naging pahayag ni MILF Panel Chairman Mohagher Iqbal na ang MILF ay dismayado sa admi­nistrasyong Arroyo na selyuhan ang peace negotiations sa pagitan nila ng gobyerno na inabot na ng 9 na taon.

Sa pagpupulong ng international peace negotiators sa New World Hotel kahapon, sinabi ni Pangu­long Gloria Arroyo na nagdeklara siya ng polisiya na all-out peace sa Min­danao at isusulong ang kapayapaan sa rehiyon hanggang sa huling minuto ng kanyang termino.

Nakatakdang mag-usap sa susunod na linggo ang GRP at MILF Peace Panels sa Kuala Lumpur upang ipagpatuloy ang kanilang usapin.

GLORIA ARROYO

GOVERNMENT PANEL CHAIRPERSON RAFAEL E

KASUNOD

KUALA LUMPUR

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

NAKATAKDANG

NEW WORLD HOTEL

PANEL CHAIRMAN MOHAGHER IQBAL

PEACE PANELS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with