^

Bansa

Araw ng Independence Day hindi ililipat ni Noynoy

- Ni Malou Escudero -

MANILA, Philippines - Sa gitna nang nalalapit na pagdiriwang ng Indepence Day na inilipat ng Malacanang sa Hunyo 14, sinigurado ni incoming president Noynoy Aquino na hindi mangyayari sa ilalim ng kaniyang admi­nistrasyon ang ginagawang paglilipat sa ibang araw ng mga makasaysaysang okasyon katulad ng Araw ng Kalayaan.

Ayon kay Aquino, may mga holidays na hindi dapat inililipat ang pagdiriwang sa ibang araw dahil nawawala ang kahalagahan nito.

Kabilang umano sa importanteng okasyon na hindi dapat binabago ang araw ay ang Independence Day na ipinagdiriwang tuwing Hunyo 12.

Sa halip na gunitain sa Hunyo 12 ang pagdiriwang ng Independence Day sa susunod na buwan ito ay inilipat ni Pangulong Gloria Arrroyo sa Hunyo 14 kung saan magkakaroon pa ng magarbong parada ng mga floats.

Sinabi ni Aquino na nababawasan ang dignidad ng okasyon kapag inililipat sa ibang araw ang holiday.

Tiniyak ni Aquino na kapag nasa Malacañang na siya ay hindi mangyayari ang ganitong paglilipat ng paggunita sa araw ng Independence Day at iba pang mahahalagang okasyon na dapat ipagdiwang ng bansa.

vuukle comment

AQUINO

ARAW

AYON

HUNYO

INDEPENCE DAY

INDEPENDENCE DAY

KABILANG

KALAYAAN

NOYNOY AQUINO

PANGULONG GLORIA ARRROYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with