^

Bansa

5 huli sa entrapment ng NBI

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Hawak na ngayon ng National Bureau of Investigation (NBI) ang lima katao maka­raang maaresto sa isang entrapment operation, kaugnay sa diumano’y pag­bebenta ng posisyon bilang kinatawan sa nagwaging partylist group sa kongreso.

Kinilala ni Head Agent Roland Argabioso, ng Field Operations Division (FOD) ang mga suspek na sina Joel Cor­reras Pelo; Mary Anne Fujiwera, isang Ja­panese national na diuma­no’y may na­ka­binbing ka­song swindling; Maria Eli­zabeth Pabalan; Fuden­ciano Mali­nao; at Wen­ceslao Malinao.

Sa isang sketchy report, nag-ugat ang pag-aresto sa mga suspek nang ikanta ng complainant ang gina­wa­gang pagbebenta ng mil­yong hala­ga ng puwesto sa kongreso bilang partylist representative.

Kabilang sa target na ibi­nebentang pwesto uma­no ng grupo ang Buhay partylist kung saan coordinator uma­no ang isang Cheryly Bar­celona.

Nabatid na nagpapa­kila­lang konektado sa Commission on Elections (Comelec) ang mga suspek at isa dito ang nagpapakilalang sa Office of the President.

Nabatid na ibenebenta ang posisyon ng P15-milyon hanggang P10-milyon at nang kagatin ng di pa tinu­koy na complainant ay pu­mayag ang mga suspek sa inisyal na P1-milyong piso.

Nang makipagkita ang mga suspek sa isang hotel sa Malate, Maynila ay di­nakip sila habang hawak ang P1-M boodle money , na inihanda ng NBI sa nasabing entrapment operation.

Patuloy pa ang imbesti­gas­yon sa limang suspek at sa posibleng mga ka­song ka­kaharapin nila.

vuukle comment

CHERYLY BAR

FIELD OPERATIONS DIVISION

HEAD AGENT ROLAND ARGABIOSO

JOEL COR

MARIA ELI

MARY ANNE FUJIWERA

NABATID

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

OFFICE OF THE PRESIDENT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with