^

Bansa

Automated polls pa rin sa 2013

- Ni Mer Layson -

MANILA, Philippines - Ikinukonsidera pa rin ng Commission on Elections ang muling paggamit ng automated election system sa 2013 elections.

Ito’y kahit pa dinagsa ng mga reklamo ng dayaan at kontrobersiya ang kauna-unahang automated elections na idinaos sa bansa noong Mayo 10.

Ayon kay Comelec Spokesman James Jimenez, tiwala naman sila sa sistema at ikinukonsidera pa rin nila ang pag-automate ng susunod na halalan.

Ipinaliwanag nito na kung nagkaroon man ng problema sa sistema ay posibleng nagmula ito sa mga taong nag-operate ng mga precinct count optical scan (PCOS) machines.

Ayon sa Smartmatic, wala pang 500 sa may 76,300 PCOS machines na ipinakalat sa buong bansa noong election day ang pumalya sa mismong araw ng halalan, na napalitan naman umano kaagad nila.

Ang karamihan naman umano sa mga poll machines ay maayos namang gumana, maliban na lamang kung mali ang data na naipasok sa sistema ng mga Board of Election Inspectors (BEIs) o ng technician.

Siniguro rin naman ni Jimenez, na anumang problema na kinaharap nila bago at matapos ang automated elections ay gagamitin nilang basehan upang lalo pang mapagbuti ang susunod na halalan.

AYON

BOARD OF ELECTION INSPECTORS

COMELEC SPOKESMAN JAMES JIMENEZ

IKINUKONSIDERA

IPINALIWANAG

JIMENEZ

SINIGURO

SMARTMATIC

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with