^

Bansa

Locsin na-high blood sa Smartmatic

-

MANILA, Philippines - Napamura sa galit at halos ma-high blood si Makati Rep. Teodoro Loc­ sin, chairman ng House Committee on Suffrage and Electoral Reforms, sa mga opisyal ng Smartmatic, habang nag­sasagawa ng pagdinig sa Kongreso kahapon hinggil sa uma­no’y da­yaan sa katatapos na automated election, matapos na ma­dismaya sa sagot ng mga ito ukol sa mga nagka­maling oras na nakalagay sa mga election returns (ERs).

Nauna rito, kinuwes­tiyon ni Parañaque Rep. Roilo Golez ang aniya’y “erratic date” at time stamps ng mga ERs at tinanong kung bakit wa­lang precautionary functions ang automated system para matiyak na ang petsa at oras sa mga ma­kina ay tama.

Ipinaliwanag naman ni Heider Garcia ng Smart­matic, na nire-rekord la­mang ng time stamps sa makina ang sequence o ang pagkakasunud-sunod ng aksiyon ngunit hindi umano nito kayang sabihin kung kailan ito nangyari.

Dito na sumambulat sa galit si Locsin at isinumbat sa Smartmatic ang pa­ngako nito na anumang pang­yayari sa pagitan ng 7:00 ng umaga hanggang 7:00 ng gabi ay magre-reflect ng tamang oras sa makina, ngunit lumilitaw pala umano na ang pang­yayari ng 7:00 ng gabi ay maaring lumitaw na 10:00 ng gabi naganap.

Hindi na rin nakontrol ni Locsin ang kaniyang emos­yon at nakapagmura pa, nang sabihin ng Smart­matic official na ang kani­yang binanggit ay isang “unforeseen situation.”

Ma­bilis namang si­nalag ni Golez ang sit­was­yon at ipinabura sa record ang pagmumura ng mam­ba­batas. Butch Que­jada/Mer Layson

BUTCH QUE

HEIDER GARCIA

HOUSE COMMITTEE

LOCSIN

MAKATI REP

MER LAYSON

ROILO GOLEZ

SHY

SMARTMATIC

SUFFRAGE AND ELECTORAL REFORMS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with