^

Bansa

Ilang school supplies mas mura sa bookstore

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Sinabi kahapon ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Jesli Lapus na mas mura ang ilang “school supplies” na itinitinda ng mga “air-conditioned bookstores” kaysa sa mga puwesto sa Divisoria.

Inihalimbawa ni Lapus ang tindang krayola at mga lapis sa isang bookstore na mas mura kaysa sa Divisoria habang ma­ganda naman ang kumpetis­yon sa ibang kaga­ mitan de­pende sa kalidad ng produkto.

Iginiit rin nito na may kara­patan ang DTI na magpaskil ng mga “suggested retail prices” sa mga puwesto upang maging batayan ng mga mamimili lalo na ang mga magulang ng nasa 20 milyong estudyante sa pag­bili ng mga gamit eskuwela.  Tulad ng P11 srp sa notebook, ito umano ang “maximum” at hindi dapat lalagpas dito ang itinitinda sa Divisoria bagama’t nakikita nila na may average na P8 ang bawat piraso ng mga ito na ititinda.

Kabilang dito ang notebook (80 pahina) mula P9.50-P19.75 depende sa mater­yales; pad paper (Grade 1-4, 80-pahina) mula P9-P22.50; intermediate paper (80 pahina) mula P15-P24; lapis mula P3.75-P9.75; krayola (8 colors) mula P9  hanggang P96 (48 colors).

Nanawagan naman si Under­secretary Zenaida Mag­laya sa mga mamimili na suriin munang mabuti ang mga bibil­hing produkto dahil sa po­sibleng may nakalalasong kemikal ang kanilang mabili na makaka­sama sa kalusugan ng kanilang mga anak.

Kung may mga reklamo, maaaring tumawag ang mga ma­mimili sa DTI Hotline: 751-3330.

DEPARTMENT OF TRADE AND INDUSTRY

DIVISORIA

IGINIIT

INIHALIMBAWA

KABILANG

LAPUS

SECRETARY JESLI LAPUS

SHY

ZENAIDA MAG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with