^

Bansa

Jamby, Perlas kakasuhan

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Maaring kasuhan ng Smartmatic sina Sen. Jamby Madrigal at Nicanor Perlas matapos pakialaman ang mga Precinct Count Optical Scan (PCOS) machines na ginamit sa halalan.

Ayon kay Comelec Commissioner Gregorio Larrazabal, kung may kuwestiyon sina Perlas at Madrigal sa resulta ng eleksyon, dapat nila itong idulog sa Comelec upang maimbestigahan. Hindi umano nila dapat na pakialaman ang kagamitan para lamang masagot ang kanilang alegasyon.

Naninindigan ang Comelec na malabo ang alegasyong pandaraya o iregularidad base na rin sa resulta ng ginawang random manual audit kung saan lumalabas na tama ang pagbilang ng PCOS sa mga boto.

Ipinapaubaya na ng Comelec sa Smartmatic ang pagsasagawa ng kaukulang hakbang laban kina Madrigal at Perlas.

Naniniwala ang mga natalong kandidato na posibleng nagamit sa umano’y pandaraya ang mga nasabing makina.

vuukle comment

AYON

COMELEC

COMELEC COMMISSIONER GREGORIO LARRAZABAL

IPINAPAUBAYA

JAMBY MADRIGAL

NANININDIGAN

NICANOR PERLAS

PERLAS

PRECINCT COUNT OPTICAL

SMARTMATIC

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with