^

Bansa

Jamby, 2 pa nagpasaklolo sa Supreme Court

- Gemma Amargo-Garcia -

MANILA, Philippines - Nagpasaklolo kahapon sa Korte Suprema ang tatlong nahuhuling presidential candidate upang pigilan ang Commission on election (Comelec) na sirain ang mga kontrobersyal na compact flash (CF) cards na hindi gumana noong May 10 elections.

Base sa 12 pahinang petition for prohibition and mandamus na isinampa ng tatlong kulelat na kandidato sa pangunguna ni Senator Jamby Madrigal, kasama si Nicanor Perlas at JC delos Reyes,  hiniling nila na mag isyu ng temporary restraining order ang kataas taasang hukuman laban sa Comelec.

Iginiit ng mga ito na ang pagsira sa mga naturang CF cards at pag –delete o pagbura sa final testing and sealing (FTS) data ay isang paglabag sa “right to information” ng taong bayan at maituturing anyang pagsikil sa mga ebidensya , para sa pag review at pagsususri ng joint Congressional oversight Committee.

Tiwala ang tatlong kandidato na kakatigan at magpapalabas ng TRO ang SC . tulad anya ng pagkatig ng SC sa naunang petisyon ni V.P Teofisto Guingona hinggil sa karapatan ng publiko sa preparasyon ng Comelec para sa halalan.

Ang mga CFC at FTS data ay napakahala­gang ebidensya para ma-de­termina kung paano na-manipula ang boto, na nagresulta sa “discre­pancies” sa pagitan ng electronically transmitted results at ang mga nasa printed election returns. 

COMELEC

IGINIIT

KORTE SUPREMA

NAGPASAKLOLO

NICANOR PERLAS

P TEOFISTO GUINGONA

REYES

SENATOR JAMBY MADRIGAL

TIWALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with