^

Bansa

Defense Chief nagpaalam na sa AFP

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Nagpaalam na kahapon sa Philippine Navy si Defense Secretary Norberto Gonzales kaugnay ng napipintong pagpapalit ng kapangyarihan sa gobyerno sa darating na buwan ng Hunyo.

Sa kaniyang talumpati, sinabi ni Gonzales na tanggap na niya na 45 araw na lamang ang kaniyang ipanunungkulan sa serbisyo kaya’t ito na ang pagkakataon upang simulan na niya ang pamamaalam sa AFP kung saan una niya itong ginawa sa turnover ceremony sa Philippine Navy.

“I think this is my opportunity to say thank you and to say goodbye to the Navy. This is probably the last occasion where I can be your guest. In 45 days I will no longer be Secretary of National Defense, so goodbye,” ani Gonzales.

Si Gonzales ay co-terminus ni Pangulong Arroyo na magtatapos na ang termino sa Hunyo 30.

Inihayag pa ng Kalihim na sa kaniyang pamamaalam bilang Gabinete ni Pangulong Arroyo ay magbabago na siya ng linya bilang kritiko ng administrasyon.

Si Gonzales ay huma­lili sa puwesto bilang acting Defense Secretary matapos namang sumabak sa presidential race ang dating Kalihim nito na si Gilberto “Gibo “ Teodoro Jr.

Inaasahan namang susunod ng magpapaalam si Gonzales sa iba pang Major Service Commands ng AFP tulad ng Phil. Army at Phil. Air Force at panghuli sa General Headquarters sa Camp Aguinaldo.

vuukle comment

AIR FORCE

CAMP AGUINALDO

DEFENSE SECRETARY

DEFENSE SECRETARY NORBERTO GONZALES

GENERAL HEADQUARTERS

GONZALES

HUNYO

KALIHIM

PANGULONG ARROYO

PHILIPPINE NAVY

SI GONZALES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with