MANILA, Philippines - Isinailalim kahapon ng Comelec ang pitong lugar sa bansa kaugnay ng isasagawang kauna-unahang automated elections sa bansa.
Sa Comelec Resolution 8887, tinukoy ang mga lugar ng Abra, bayan ng Dasol sa Pangasinan, Buguey sa Cagayan, Nueva Ecija, Pantao Ragat at Matungao sa Lanao Del Norte, Davao City at ang buong lalawigan ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).
Sa ilalim ng batas, kapag ang isang lugar ay “under Comelec control” magtatalaga ang poll body ng special task force na siyang mangangasiwa ng lugar sa buong election period.
Nabanggit din sa resolusyon ang report ng Philippine National Police na mayroong mataas na insidente ng mga election-related violence ang mga naturang lugar kaya’t mahalagang matutukan ang peace and order sa mga ito.