An Waray nanguna

MANILA, Philippines - Patuloy na umuungos sa ibat-ibang popularity surveys ang An Waray party-list group ilang araw bago isagawa ang halalan sa Lunes, partikular sa pinakabagong StratPOLLS-Graphic survey kung saan nasa ikatlong posisyon ang grupo sa nakuhang 4.3% boto.

Nangunguna din sa Pulse Asia survey ang Bayan Muna na nakakuha ng 4.3%. Gayunman, hindi na nagtaka sina Sens. Benigno “Noynoy” Aquino III at Francis “Chiz” Escudero, Speaker Prospero “Boy” Nograles Jr. at House Deputy Majority Leader Neptali Gonzales II kung mamayagpag man ang An Waray party-list group sa surveys dahil sa matinding pagtulong nito sa mga kapos-palad, partikular sa mga nangangailangan ng imprastraktura, atensiyong medikal, at tulong pang-edukasyon.

Anila, inaani lang ng nasabing partylist ang magandang itinanim nito sa kongreso.

Ang An Waray ay nakatulong sa 336,812 na mahihirap na mga pasyente ; 4,000 scholars; nakapagpatayo ng 127 school buildings; at nakapagsagawa ng 924 medical mission.

Show comments