DAET, Camarines Norte, Philippines - Bagaman sinabi ng Commission on Elections na tuloy ang eleksyon sa Mayo 10, iginiit kahapon ng Bangon Pilipinas sa Comelec na ipagpaliban muna ng dalawang linggo ang halalan.
Sa isang pulong balitaan sa Daet kahapon ng umaga, sinabi ng mga Bangon senatoriables na sinamahan ng kanilang legal officer na si Atty. Ted Pascua at Bangon national campaign manager Atty. Lyndon Caña ang kanilang standard bearer na si Bro. Eddie Villanueva sa paghahain ng kanilang petition sa Comelec para ipagpaliban ang Mayo 10 elections at iurong ito sa Mayo 25 upang mabigyan ng pagkakataon ang komisyon na maisaayos ang anila’y mga depektibo at kaduda-dudang PCOs o automated machines na gagamitin.
Ayon kay Villanueva ang mga PCOs na ginamit at tinesting sa ilang mga ilang lugar ay sinasabing depektibo ang compact flash disk at nakakapagtaka na tanging iisang pangalan ng presidential candidate (Gibo Teodoro ng Lakas Kampi) ang lumalabas.
Hindi na umano nila hahayaan na ituloy ang eleksyon habang kaduda-duda naman ang mga lumalabas na resulta.