JDV III inindorso ng Norte

MANILA, Philippines - Nagpapatuloy ang pagbuhos ng suporta kay Pwer­sa ng Masang Pilipino senatorial candidate Joey de Venecia III kung saan ang pinakahuli dito ay ang maimpluwensyang mga miembro ng Northern Luzon Alliance na binubuo ng 33 kongresista.

Ang NLA na pinamumunuan ni Ilocos Sur Rep. Eric Singson ay nagsabing nagpasiya silang iendorso ang kandidatura ni de Venecia matapos ang masusing pag-aaral sa kaniyang pagkatao at plataporma na nagpapakitang may kakayahan ito at sinsero na magpatupad ng mga pagbabago sa bansa na siguradong pakikinabangan ng taumbayan partikular ng mga taga- Northern Luzon.

Ayon kay Singson, nag­latag si de Venecia ng malinaw na programa ukol sa kabutihan ng bansa kabilang dito ang modernisasyon at pag-unlad ng Pilipinas.

Show comments