^

Bansa

128 Lakas-Kampi incumbents, bets todo suporta kay Gibo

- Ni Rudy Andal -

Cebu City, Philippines - Halos isang linggo na lamang bago ang halalan sa Mayo 10, may 128 kongresista, gober­nador at mga kandidato ng Lakas-Kampi-CMD ang muling nagtipun-tipon dito upang muling ipakita ang kanilang pagkakaisa, bu­ong paninindigan at si­yento-porsyentong suporta para sa kandidatura sa pagkapangulo ni Gilberto “Gibo” Teodoro.

Sa isang manipesto na may titulong “The Cebu Dec­laration,” sila ay na­ngako na patuloy na su­suporta sa kandidatura ni Gibo at muling hinikayat ang kani-kanilang mga kababayan at nasasa­kupan na basagin ang ka­ni­lang katahimikan upang ipakita at iparamdam ang kanilang buong pagsu­porta kay Teodoro.

Bawat isa sa 95 kon­gre­sista (25 mula sa Luzon, 34 sa Visa­yas, at 36 sa Min­danao), mga lokal na opis­yal at mga kandidato ay lu­magda din ng kani-kani­lang pangako na magbigay ng pinaka­ma­taas na bilang ng boto para kay Teodoro sa kani-ka­nilang mga nasa­sakupan.

Kasama sa mga lu­magda ay ang 33 gober­nador (11 mula sa Luzon, 10 mula sa Visayas, at 12 mula sa Mindanao) na bahagi ng “Governors for Gibo” o G4G na kilala din sa tawag na “Team Pala­bra de Honor” dahil sa ka­ni­lang pagiging totoo sa kanilang mga ipinapa­ngako, kasama na rito ang pagsuporta kay Teodoro hanggang sa Mayo 10.

Lubos namang naga­lak si Gibo sa suportang ipinakita sa kanya mula sa kanyang mga totoo at subok nang mga kaibigan kaya kaniyang pinasala­ma­tan ang mga ito. 

BAWAT

CEBU DEC

GIBO

GILBERTO

KASAMA

LUZON

SHY

TEAM PALA

TEODORO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with