MANILA, Philippines - Masisilayan ngayong linggo ng mga Stargazers ang anim na planeta bago ang May 10 elections.
Ayon sa PAGASA, ang Venus, Mars at Saturn ay magiging visible sa May 7, habang ang Uranus, Jupiter at Neptune ay makikita naman sa May 8.
Base sa astronomical diary ng state weather bureau, ang Venus ay matatagpuan ganap na alas-7 ng gabi, habang ang Mars at Saturn ay matutunghayan ganap na alas-9 ng Biyernes ng gabi.
Ang Uranus, Jupiter, at Neptune ay makikita naman ganap na alas-4 ng Sabado ng umaga.
“Jupiter and Neptune will lie among the background stars of the constellation Aquarius, the Water Bearer while Uranus will be found among the stars of the constellation Pisces, the Fish. A modest size telescope will be needed to observe Neptune and the Blue-Green planet, Uranus,” sabi pa ng PAGASA.
Samantala, magiging mahaba naman ang araw sa bansa sa kasagsagan ng summer season.