Atienza nanguna sa survey

MANILA, Philippines - Nangunguna si dating Environment Secretary Lito Atienza sa isang bagong survey ng Manila Research Associates sa mga kandi­da­tong alkalde sa May­nila sa halalan sa Mayo 10.

Kinumpirma naman ni Atienza sa panayam sa kanya sa DZMM ang na­sabing survey at inihayag na maging ang running­mate niyang si Bonjay Isip ay nangu­nguna din dito.

Idinagdag ni Atienza na may kahalintulad ding ginawa sa anim na distrito ng Maynila si­mula Abril 27-29 kung saan lumalabas na buong ticket ng “Bu­hayin ang Maynila” ang siyang nangunguna sa local positions sa da­rating na eleksyon.

Base sa survey, na­ka­­kuha si Atienza ng 48.26%; Manila Mayor Alfredo Lim 41.24%; at dating Police Chief Sonny Razon, 9.25%.

Sa nasabing interview, sinabi ni Atienza na ipagpapatuloy niya ang magagandang pro­yekto ng matatapos na adminis­trasyon ni Lim subalit muli rin nitong bu­buhayin ang iba pang public service programs na pinakikina­bangan ng husto ng mga Manilenyo noong tatlong termino niyang panunung­kulan bilang Mayor ng lung­sod. Inihalimbawa ng Alkalde ang pangako nitong organized ven­ding sa Maynila.

Show comments