^

Bansa

AH1N1 vaccines libre - DOH

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Nagbabala ang Department of Health sa pub­liko laban sa umano’y pe­keng mga “health workers” na nanghihingi ng bayad sa mga pagbabakuna ng AH1N1 vaccines.

Ayon kay DOH Secretary Esperanza Cabral, libre ang bakuna laban sa AH1N1 kaya’t walang da­pat na ipag-alala ang pub­liko at mga magpapa­bakuna.

Ipinaliwanag din ni Cabral na hindi na kaila­ngan pang magpaba­kuna ang mga taong may sinto­mas ng AH1N1 dahil ang vaccines ay ibinibigay lamang upang maiwasan ang pagkalat ng virus.

Sinuman ang positibo sa AH1N1 ay kailangan lamang na magpahinga hanggang sa mawala ang lagnat.

Ang mga buntis ang prayoridad na mabigyan ng vaccines matapos ang pagbibigay nito sa mga health workers dahil hindi lamang ang mga ito ang nasa panganib kundi maging ang sanggol sa kanilang sinapupunan.

AH1N1

AYON

CABRAL

DEPARTMENT OF HEALTH

IPINALIWANAG

NAGBABALA

SECRETARY ESPERANZA CABRAL

SHY

SINUMAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with