^

Bansa

Angkan ng mga Estrada dismayado kay Chiz

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Dismayado ngayon ang buong angkan ng Estrada kay Senador Francis “Chiz” Es­cudero dahil sa pagtalikod kay dating Pangulong Joseph Estrada matapos na si Liberal Party standard bearer Noynoy Aquino ang su­portahan.

Sa isang Facebook account nito, hindi napigilan ni San Juan City outgoing Mayor Joseph Victor Ejer­cito ang kanyang kinikim­kim na sama ng loob laban sa kanyang kaibigan na si Escudero. Tila umano na­kalimutan na ni Escudero kung bakit siya naging popular at naging senador.

Dagdag pa ni Ejercito na masyadong maaga para iposisyon ng batang mambabatas ang kanyang sarili para sa 2016 Presidential Election.

Sa Facebook account ni Ejercito, nakasulat sa kanyang “shoutouts”  hing­gil sa sama ng loob sa kan­yang hindi pinangalanang kaibigan na kanilang tinu­lungang maging popular subalit tinalikuran sila at ngayon ay nagnanais pang maging pangulo ng bansa sa susunod na halalan pampanguluhan.

“I used to have a friend whom I will call Rockstar. I helped built up this guy through the years until he became a true star. Fame instantly went to his head that he thought that he could be ‘king’ of the land. When things went sour for his plans to be king, he started ‘biting’ the people that helped him become a star.... How easy it is for some people to forget where they came from,” nakasulat sa facebook account ni Ejercito.

Sa sumunod na shout out ni Ejercito, tinawag pa niyang ambisyosong monster ang naturang kaibigan na kanyang itinuring na isa sa kanyang matalik na kaibigan.

CHIZ

EJERCITO

LIBERAL PARTY

MAYOR JOSEPH VICTOR EJER

NOYNOY AQUINO

PANGULONG JOSEPH ESTRADA

PRESIDENTIAL ELECTION

SA FACEBOOK

SAN JUAN CITY

SENADOR FRANCIS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with