Shalani may bagong 'promise'

MANILA, Philippines - Nangako ng kanyang kumpletong suporta si Shalani Soledad, girlfriend ng Senador at tumatak­bong Presidente na si Noynoy Aquino, para kay Pastor Sonny Tiquia sa pagka-Kongresman sa ikalawang distrito ng Valen­zuela City. 

Sa kanyang mga pahayag na matatagpuan sa internet at on-line na balita, pinuri ni Soledad si Tiquia bilang kanyang “political mentor” na hindi siya iniwan sa ano mang sit­wasyon at mga usapin. 

“Si Pastor ay tunay na kaibigan na hindi ka iiwan. Hindi siya tumitingin sa kulay sapagkat ang pagli­ling­kod sa mamamayan ang kanyang nasa isip at puso.” 

Si Soledad ay tuma­takbong muli bilang kon­sehala ng ikalawang dis­trito ng Valenzuela. Mag­ka­kasama sina Soledad at Tiquia sa grupo nina Mayor Sherwin Gatchalian. 

Inihayag pa ng Kon­sehala na noong 2004 kung kailan una niyang nakilala si Pastor Tiquia ay agad siya nitong tinanggap at kinalinga. 

“Kaya mula nuon hang­gang ngayon, ang Congressman ko ay si Pastor Sonny Tiquia,” pagtatapos ni Shalani.

Show comments