Villar kuha ang boto ng mga Muslim

MANILA, Philippines - Sinabi kahapon ni Nacionalista Party senatorial candidate Adel Tamano na nakasisiguro ng suporta si NP standard-bearer Senator Manny Villar mula sa mga Muslim.

Sinabi ni Tamano, isang Muslim, na sa lahat ng mga kandidatong presi­dente, tanging ang plano ni Villar para sa mga Muslim at sa isla ng Mindanao ang siya lamang natatangi dahil ipinapakita nito ang isang holistic approach upang maresolba ang alitan at kahirapan sa rehiyon.

“Naniniwala ako na dahil dito, kung pupunta ka sa maraming Muslim area, marami sa kanila ay para kay Villar. Kung pupunta ka sa Cotobato City, Lanao del Norte at Autonomous Region in Muslim Minda­nao, marami ang sumu­suporta kay Villar,” ani Tamano.

Tiniyak pa ni Tamano na makapagdadala siya ng boto hindi lamang para kay Villar kundi pati na rin sa buong NP slate.

Sinabi pa nito na ang kanilang relihiyon ang siyang dahilan ng mga Muslim para suportahan ang kapwa nila Muslim.

Sa kanyang mga ta­lum­pati, naninindigan si Villar na mareresolba la­mang ang sigalot sa Min­danao kung ang mga stakeholder ay papaya­gang makisali sa usaping pang-kapayapaan.

Sinabi ni Villar na ma­tutupad lamang ang pang­matagalang kapaya­paan sa Mindanao kung mare­resolba ang ugat ng sigalot sa pamamagitan ng re­porma sa pulitika at ekono­miya.

Kasabay nito, sinabi pa ni Villar na ang kaunlaran ng rehiyon ay nakasalalay sa epektibong pamama­hala.

Show comments