^

Bansa

40 PETCs ipasasara ni Suansing

- Butch M. Quejada -

MANILA, Philippines - Nakatakdang ipasara ng nagbabalik na Land Transportation Office Chief Alberto Suansing ang mahigit 40 pasaway na private emission test centers (PETCs)  na nagsasagawa ng non-compliance at non-appearance sa pagsusuri ng usok ng mga sasakyan na irerehistro sa LTO.

Sinabi ni Suansing na patuloy na inaalam ng emission monitoring committee ang mga ulat na lumala ang N-A at N-C sa emission test ng sasakyan dahil sa naipatupad na direct connectivity ng PETC at Strad­com noong panahon ni dating LTO chief Arturo Lomibao.

Anya, hindi niya sasantuhin ang sinumang Petcs na lalabag sa kanyang patakaran at lumalabag sa Clean Air Act ng pamahalaan.

Noong 2008 nang si Suansing ang LTO Chief, daang mga Petcs ang kanyang naipasara at napagmulta dahil sa paglabag sa naturang batas.

“Andito na naman ako ulit, hindi puwede sa’kin ang mga nagsasagawa ng anomalya sa operasyon, kung mahuli silang lumalabag sa batas, ipinasasara natin yan, suspendido bukod sa multa para madisiplina,” dagdag ni Suansing.  

vuukle comment

ANDITO

ANYA

ARTURO LOMIBAO

CLEAN AIR ACT

LAND TRANSPORTATION OFFICE CHIEF ALBERTO SUANSING

N-A

N-C

NAKATAKDANG

PETCS

SUANSING

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with