80 probinsiya nasa watchlist: PNP handa na sa Mayo 10
MANILA, Philippines - Tiniyak ng hanay ng Philippine National Police na nakahanda na ang kanilang kagawaran para mapanatiling malinis at maayos ang gagawing election sa Mayo 10.
Gayunman, inamin ni Chief Supt. Leonardo A. Espina, spokesman ng PNP, na may 80 probinsya silang itinuring na nasa watchlist dahil sa nasabing mga lugar na rin nagkaroon ng kaguluhan noong nakalipas na dalawang halalan.
Tinukoy ang Abra sa Luzon; La Union sa Northern provinces, ilang lugar sa Visayas; Maguindanao, Basilan, Sulu at Danao sa Mindanao.
Giit ni Espina, ang election watchlist ay kombinasyon ng past election na nagkaroon ng political rivalry o violent incident na siya ngayong binabantayan nila upang agad na mapaghandaan at hindi na maulit pa ang anumang karahasan pagdating ng araw ng election.
- Latest
- Trending