Tax sa toll fee atras muna

MANILA, Philippines – Hindi sa Abril 30 at wala pang pinal na araw kung kalian ipatutupad ang tax sa toll fee.

Ayon sa Bureau of Internal Revenue (BIR), ang pagpapaliban sa naturang hakbang ay resulta ng patuloy na pagbusising ginagawa ng mga kinatawan ng Tollway Regulatory Board (TRB), BIR, Tollway Operators, Department of Finance, Office of the Solicitor General at Tollways Association of the Philippines (TAP) para makalikha ng technical issues hinggil dito.

Ang isa umano sa tinatalakay ng mga nabanggit na ahensiya ng pamahalaan ay mapalitan o mabago ang Vat sa toll fee at ang isang punto pa ay kung ipatutupad retroactive ang naturang hakbang o hindi dahil may unpaid Vat dito mula taxable year 2005 hanggang sa kasalukuyan.

Anila, dapat munang maresolba ang usapin ng vatability sa toll fees bago ito maipatupad.

Napagkasunduan ng naturang grupo na makabuo ng technical issues bago magdesisyon ang TRB kung ang usapin ay dadalhin sa OSG, DOF o sa korte.

Unang napaulat na ipatutupad ang Vat sa toll fee noong April 1,2010 pero nailipat ng Abril 30,2010. Binusisi pa ng husto ang naturang hakbang upang hindi naman masyadong maapektuhan nito ang riding public.

Isa ang mga pampasaherong sasakyan sa mga apektado ng Vat sa toll fee at nagbanta silang tataasan ang pasahe kapag ipinatupad ito.

Ang orihinal na plano ay ang mga pribadong sasakyan lamang ang bubuwisan sa toll fee pero ngayon nasama na ang mga pampasaherong sasakyan tulad ng mga bus at trak na nagdadala ng kalakal mula probinsiya papasok ng Metro Manila.

Show comments