^

Bansa

P26-B 'nalustay' sa PSE

- Joy Cantos, Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Inakusahan kahapon ng United Opposition si Nacionalista Party standard bearer Senador Manuel Villar na minani­pula ang sistema ng “stock exchange” upang kumita ng P26 bilyon na ang P8 bilyon dito ay para gamitin sa kanyang pangangam­panya sa pampangulu­hang halalan.

Ito ang ibinulgar ka­hapon ni Senate President Juan Ponce Enrile sa pulong-balitaan sa Man­daluyong City. 

Sinabi ni Enrile na isa sa mga director ng Philippine Stock Exchange ang lumapit sa kanya kung saan kinum­pirm ang ma­tagal nang umi­ikot na balita ng pag­manipula ni Villar gamit ang kanyang kum­panyang Vista Land and Lifescapes, Inc..

Dahil dito, nagpadala ng liham si Enrile kay PSE Chairman Hans Sicat upang kumpirmahin ang naturang ulat.  Nagpadala naman ng sagot si Sicat sa kanya na minarkahan na “private and confidential”. 

Natuklasan ni Enrile na isang espesyal na pulong umano ang ginawa ng PSE Board of Directors noong Hunyo 29, 2007 upang pagbigyan ang hiling ni Villar na noon ay Senate President para sa eksemp­syon sa mga stock shares ng VLL sa “lock policy” ng PSE at patuloy na maka­pagbenta ng stock.  Inaku­sahan ni Enrile si Villar na sinabihan ang mga miyem­bro ng board sa nalalaman nito ukol sa manipulasyon umano ng mga ito sa stock market.

Sinabi pa ni Enrile na noong 2007, mismong si Villar ang nagsabi sa kanya na kumita ang pagbebenta niya ng shares ng P26 bilyon kung saan P5 bilyon dito ay personal niya. Ngu­nit luma­labas na P8 bilyon umano ang naiuwing personal ni Villar na ginagamit nito sa pangangampanya.

Hinamon ni Enrile si Villar na sagutin nang tapat ang kanyang alegasyon dahil sa may mga sapat siyang ebidensya ukol dito at hinamon rin ang pamu­nuan ng PSE na linawin o kumpirmahin ang kanyang natuklasan.

BOARD OF DIRECTORS

CHAIRMAN HANS SICAT

ENRILE

NACIONALISTA PARTY

PHILIPPINE STOCK EXCHANGE

SENADOR MANUEL VILLAR

SENATE PRESIDENT

SENATE PRESIDENT JUAN PONCE ENRILE

SHY

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with