Ang Pilipinas Ngayon sa ANC

MANILA, Philippines -Muling naglunsad ang Pangarap ng Pililipino Movement, nasa likod ng matagumpay na Ituwid Natin series on Edsa 1 at 2, ng isa pang advocacy program sa Miyerkules na ang inisyal na tampok ay “Ang Pilipinas Ngayon,” isang factual assessment ng pag-unlad ng bansa na tiyak na ikararangal ng mga Pilipino.   

Sa launching na mapapanood sa ANC ng alas-10:30 ng gabi nitong Miyerkules, Ang Pilipinas Ngayon ay iho-host ng international star na si Billy Joe Crawford kasama ang regular segment hosts na sina Bb. Pilipinas International Precious Lara Quigaman at Caritas executive director Fr. Anton Pascual.

Show comments