MANILA, Philippines - Tatlong linggo bago ang May 10, 2010 elections, pumasok na naman si Nacionalista Party Spokesman at senatoriable Gilbert Remulla sa isa na namang prestihiyosong survey ng Manila Standard Today.
Sa resulta ng MST senatorial survey nung Abril 4-6,2010, pang-12 si Remulla sa lahat ng tumatakbo, 2,500 botante ang tinanong sa survey. Siya lang ang bagong mukha sa listahan ng mga pumasok sa winning column.
Ang Manila Standard-Today kahalintulad sa resulta ng pinaka bagong Social Weather Stations survey nung March 19-22, 2010 na may 2,100 respondents na nagpakita din kay Remulla na pang-12 na may 24% ng mga tinanong ay boboto sa kanya.
Si Remulla, dating congressman at TV host ay pang anim sa University of the Philippines Botong Isko Mock Polls.
Si Remulla ay nakilala sa kanyang paglaban sa pang-aabuso sa kapangyarihan at korupsyon. Siya ang nanguna sa Hello Garci hearings sa Kongreso. Bilang dating journalist, kinondena niya ang Maguindanao Massacre at nangampanya na tigilan ang pagpatay sa mga mamamahayag o “Stop Killing Journalists”.