PASG umalma sa RTC judge

MANILA, Philippines - Pinabulaanan ng Presidential Anti-Smuggling Group na may kinalaman ito sa pambobomba sa kotse ng isang hukom sa harap ng bahay nito sa Taytay, Rizal noong Abril 14.

Ginawa ng PASG ang paglilinaw makaraang iha­ yag ni Manila Regional Trial Court Judge Silvino Pampilo Jr. sa isang pu­long-balitaan na maa­aring may kinalaman ang ahen­sya sa pagta­tangka sa kanyang buhay.

Si Pampilo ang huwes na naunang nag­pa­la­bas ng isang desisyon na nagde­ deklarang iligal ang batas na lumikha sa PASG. Gayun­man, nag­pa­tuloy ang ope­rasyon ng ahensya sa kabila ng naturang desisyon.

Idiniin ni Assistant Sec­retary Danilo P. Mangila ng PASG na hindi bababa sa level ng ka­ rahasan ang mga ta­uhan ng PASG dahil mga pro­pes­yonal sila.

Show comments