Massacre victims kabado kay Villar

MANILA, Philippines - Lalo pa umanong tumi­bay ang hinala ng mga residente ng Mindanao na si Nacionalista Party standard bearer, Manny Villar ang “manok” ng Mala­cañang ngayong halalan sa nangyaring pag-ab­swelto ng Department of Justice kay Gov. Zaldy Ampatuan ng Autonomous Region of Muslim Minda­nao at pinsan nito na si acting Vice Gov. Akmad Am­patuan sa Maguindanao massacre.

Sa panayam kahapon kay Gloria Teodoro, asawa ng napaslang na reporter na si Andy Teodoro, sinabi niyang lalo pang nanghina ang kanyang kalooban at ng mga pamilya ng iba pang mga biktima sa desisyon ng DOJ.

“Kung totoo na ipinag­mamalaki pa ng mga Am­patuan na suportado nila si Villar, hindi siya dapat manalo,” diin pa ni Gng. Teodoro.

Pangamba pa ni Gng. Teodoro, lalo pang mada­rag­dagan ang puwersa ng mga Ampatuan at lalakas ang loob ng mga ito na gawin ang anumang ma­gus­tuhan ng mga ito pabor sa gustong mangyari ng Malacañang sakaling tu­luyang ma-absuwelto sina Zaldy at Akmad at tuluyang makabalik sa kanilang balwarte sa Maguindanao.

Sa pinakahuling survey ng Xavier University na nakabase sa Cagayan de Oro, bumagsak na sa ikat­long puwesto si Villar sa Mindanao matapos maka­kuha lang ng 15 por­si­yen­tong boto sa likod nina Sen. Noynoy Aquino na may 32.8 porsiyento at dating Pang. Joseph Es­trada na may 19.8 por­siyento.

Show comments