700 lider sa Pasay tumiwalag sa NP, PMP

MANILA, Philippines - May 700 mga lider ng ba­rangay at mga dating konsehal sa lungsod ng Pasay ang tumiwalag sa partido ng Nacionalista Party at Puwersa ng Ma­sang Pilipino upang lumi­pat sa Liberal Party (LP) at suportahan ang mayoralty candidate ng LP at kasalu­kuyang bise alkalde An­tonio Calixto.

Kahapon ay nagtipon-tipon ang mga bagong ka­sapi ng LP na dating mga kaalyado nina Mayor Wen­ceslao “Peewee” Trinidad at dating Congresswoman Connie Dy na tumatakbo rin bilang alkalde ng lung­sod upang ihayag ang ka­nilang paglipat sa LP at su­muporta sa kandidatura ni Calixto.

Dumaan din sa natu­rang pagtitipon ang naka­tatandang kapatid ni LP Pre­sidential candidate Be­nigno “Noynoy” Aquino na si Pinky Aquino Ja­vellana, kasama lamang ang kan­yang driver at sekretarya at nagbigay ng maikling pa­hayag at pasa­salamat sa tiwala at su­portang ibinu­hos ng mga Pasayeños sa kanyang kapatid.

Pinasalamatan naman ni Calixto si Pinky at tiniyak na kaisa ang buo niyang tiket sa ipinaglalabang pag­babago sa pamaha­laan ni Noynoy, sampu ng mga barangay leader na boluntaryong sumapi sa kanilang partido.

Ipinagmalaki rin ni Ca­lixto ang lumabas sa mga pa­hayagan kaugnay sa pi­nakahuling survey na isi­na­gawa ng Philippine Na­tional Police (PNP) kung saan nanguna siya sa mga kandidatong tumatakbo bilang alkalde ng lungsod.

Naniniwala si Calixto na sawa na sa pamu­mulitika ang mga leader na lumipat sa kanyang kampo kaya’t ihahatid naman aniya niya sa mga ito ang inaasahang pagbabago kapag siya ang nahalal.

Show comments