^

Bansa

Kaso sa testigo vs Ampatuan iatras! - DOJ

- Gemma Amargo-Garcia -

MANILA, Philippines - Inatasan kahapon ni Acting Justice Secretary Alberto Agra ang provincial pro­secutor ng Maguindanao na i-atras ang lahat ng kasong murder at frustrated murder na isinampa laban sa grupo na kabilang sa mga pangunahing testigo sa Maguindanao massacre.

Sa inilabas na resolution, direktang inatasan ni Agra ang provincial prosecutor na i-widraw ang mga kaso laban kay Mokammad Sangki at apat na iba pa dahil sa walang “probable cause” na nakita ang Department of Justice (DOJ) upang isulong ang kaso laban dito.

Kabilang sa mga res­pondents sa kaso sina Salik Sangki, Abdila Makalingay, Akmad Sangki at Teng Pigkaulan.

Si Mokammad Sangki ay pangunahing testigo sa November 23 massace sa Ampatuan, Maguindanao kung saan 57 katao kabilang dito ang mga kalaban sa pulitika ng mga Ampatuan, mga abogado, supporters at mga local journalist s ay pinagbabaril at inilibing sa bulubunduking lugar ng Barangay Salman gamit ang backhoe ng local govt.

Base sa reklamo ni Bai Ali Eblawa Tumagantang na noong Pebrero 17, 2009 habang papauwi siya at ang biktimang si Hamsa Kamal Jr. sakay ng motorsiklo ay big­la na lamang nag-overtake ang sinasakyang motorsiklo ni Salik Sangki, barangay chairman ng Madanding, DAS, Maguindanao at iba pang hindi nakikilalang tao at tinutukan ng baril si Kamal Jr.

Nakababa umano kaagad ng motorsiklo si Tumagantang at nagtago subalit kitang-kita nito si Salik ng barilin si Kamal Jr.

Matapos ang preliminary investigation, ibinasura ng provincial prosecutor ang reklamo laban kay Salik subalit sa inihaing motion for reconsideration ipinasasama sa kaso hindi lamang si Salik kundi maging si Abdila Makalingay, Akmad Sangki, Teng Pigkaulan at Mokammad Sangki.

Subalit sa inilabas na resolution ng DOJ, direktang inatasan ni Agra ang provincial prosecutor na bawiin ang mga isinampang kaso dahil sa walang sapat na batayan upang sampahan ng kaso sina Makalingay, Pigkaulan, Akmad at Mokammad.

Inilarawan naman ng DOJ resolution ang pinanumpaang supplemental affidavit ni Tumagantang na nagnanais lamang na isangkot ang mga inosenteng tao na hindi man lamang nabigyan ng pagkakataon na sagutin ang mga akusasyon na ibinabato sa kanya samantalang ang akusasyon naman umano nito laban kay Salik ay “self serving” at mahirap paniwalaan.

Ang pagbawi sa mga isinampang kasong murder ay ginawa ng DOJ isang araw matapos na mailipat ang pangunahing suspek sa Maguindanao massacre na si Mayor Andal “Unsay” Ampatuan Jr. ay mailipat mula sa NBI detention cell patungo sa Camp Bagong Diwa sa Taguig na ginawang kulungan para sa mga high-risk prisoners.

ABDILA MAKALINGAY

ACTING JUSTICE SECRETARY ALBERTO AGRA

AKMAD SANGKI

KAMAL JR.

MAGUINDANAO

MOKAMMAD SANGKI

SALIK

SALIK SANGKI

TENG PIGKAULAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with