Umento sa sahod malabo
MANILA, Philippines - Walang aasahang umento sa sahod ang mga manggagawa sa Metro Manila ngayong darating na Labor Day.
Sinabi ni National Wages and Productivity Commission (NWPC) Deputy Executive Director Patricia Hornilla na posibleng matagalan pa ang kanilang desisyon kaugnay sa inihaing wage hike petition ng iba’t ibang labor groups.
Sa pulong ng Metro Manila wage board ay tinalakay ang P75 across the board wage increase na inihain ng Trade Union Congress of the Philippines (TUCP).
Itinakda naman sa Abril 19 at 26 ang konsultasyon sa pagitan ng mga employer at Regional Tripartite Industrial Peace Council (RTIPC ) para sa wage increase sa ibang rehiyon sa bansa. Posibleng sa Hunyo 15 ay mailabas ang desisyon hinggil sa wage increase kung walang ibang magiging aberya.
- Latest
- Trending

















