Probe sa graduation fund hingi

MANILA, Philippines - Nanawagan ang mga estudyante ng Philippine Normal University sa pamu­­muno ni Lutgardo Barbo sa mga awtoridad kabilang na ang Commission on Higher Education na imbestigahan ang misteryosong pag­kawala ng mahigit P400,000 gra­duation fund na kino­lekta sa mga estud­yanteng nag­tapos noong school year 2009-2010.

Sa kanilang open letter, nangangamba ang Student Government leaders sa posibleng “white wash” upang makalusot sa res­ponsibilidad ang mga sang­kot sa sina­sabing pag­ka­wala ng pondo.

Una nang sinampahan ng kasong qualified theft ng Manila Police District sa Manila Prosecutor’s Office si Jayson Dalde, 19, Bachelor in Secondary Education-English student at treasurer ng PNU Seniors’ Committee dahil sa pag­kawala ng P400,000 “graduation funds” sa pa­gitan ng February 20-23, 2010.

Pinagdudahan ng student government leaders ang hindi agarang pagre-report sa mga otoridad ng mga opisyal ng committee na pina­mumunuan ni Christopher Palabay sa pagkawala ng pondo.

Ang pangongolekta ng graduation fee ay isinagawa sa kabila ng regulasyon ng pamahalaan na gawing simple ang mga seremonya sa pagtatapos ng mga mag-aaral. Ni Danilo Garcia

Show comments