Reporter na na-heat stroke, pumanaw na
MANILA, Philippines - Pumanaw na si Romulo ‘ Molly” Angeles, 55, ang reporter ng DZME na na-comatose matapos ma-heat stroke noong Martes habang nagrereport.
Alas 10:30 ng umaga kahapon nang ideklarang patay na si Angeles nang hindi na ito gumising bunsod na rin ng 24 oras na ibinigay ng mga doktor.
Matatandaan na si Angeles ay na-heat stroke habang nagre-report sa may Ilustrado Restaurant sa Intramuros, Maynila.
Nabatid na may dati nang sakit na hypertension si Angeles at posibleng ang napakainit na panahon ang nagpaigting sa kanyang karamdaman.
- Latest
- Trending