^

Bansa

Flying voters sa Rizal nilinis

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Umaabot na sa 300 “exclusion cases” ang na­ipanalo ng pamaha­laang panlalawigan ng Rizal sa Comelec kabi­lang na ang daan-daang pa­milya na ipinarehistro sa bayan ng Rodriguez, Rizal ngunit nadiskubreng mga pekeng residente.

Sa datos ng Rizal Provincial Government, kara­mihan umano sa mga na­disku­breng iligal na nagpa­re­ histro ay buhat sa mga Ba­rangay San Jose at Burgos. 

May 40 pamilya ang iligal na naparehistro na guma­ gamit sa address ni suspended Mayor Pedro Cuerpo at 60 pamilya na guma­ gamit naman sa address ni Buddy Sibulan, tumatak­bong Bokal sa lalawigan.

Nang magsiyasat ang Comelec ay wala namang mga pamilyang nakatira sa naturang mga ad­dress.  Itinuturing na pasok sa exclusion case ang isang botante sa isang lugar, kung non existent ang inilagay nitong address, hindi na dun naninirahan, o hindi kilala sa lugar ang sinasabing botante na nagparehistro.

Pinatanggal na ng Rizal government ang pa­ngalan ng naturang mga bo­tante sa listahan ng Comelec. 

BOKAL

BUDDY SIBULAN

BURGOS

COMELEC

ITINUTURING

MAYOR PEDRO CUERPO

RIZAL

RIZAL PROVINCIAL GOVERNMENT

SAN JOSE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with