Apela ni Adel Tamano, 'Tigil na ang bangayan'
MANILA, Philippines - Kinondena kahapon ni NP senatorial bet Adel Tamano ang aniya’y ma ruruming taktika ng mga kandidato para siraan ang kanilang mga katunggali.
Ayon kay Tamano, hindi maganda sa publiko ang mga siraan ng kandidato na walang kinalaman sa kanilang platapormang ipatutupad kung mahalal sa darating na eleksyon.
Ginawang halimbawa ni Tamano ang bangayan nina Sen. Juan Ponce Enrile na kandidato ng PMP at Martin Bautista, kandidato ng LP sa isang forum na isinagawa ng Catholic Bishops Conference of the Philippines para sa mga senatorial bets at mga kumakandidato bilang party-list representatives.
Ani Tamano, hindi maganda na makikita ng publiko ang ganyang mga pagtatalo dahil ang mga kandidato ay dapat maging role model o magandang halimbawa.
- Latest
- Trending