Sa 7.8 lindol sa Indonesia, 'Wag mangamba sa tsunami - Phivolcs

MANILA, Philippines - Pinawi ng Phivolcs ang pa­ngamba ng ta­umbayan sa posibleng pagkakaroon ng tsunami sa bansa maka­raan ang magnitude 7.8 lindol sa Indonesia kaha­pon ng umaga.

Ayon kay Mylene Enri­quez ng Phivolcs, walang dapat na ikatakot ang publiko sa inaasahang tsunami dahil wala silang nakikitang indikasyon o mga palatandaan na ma­aari itong maganap sa Pilipinas.

Anya, karaniwan ang isang tsunami alert ay agad naisasapubliko ma­tapos ang isang malakas na lindol. Kapag may magaganap na tsu­na­mi sa loob lamang ng limang minuto ay may tsunami alert nang maipa­lalabas.

Gayunman, sinabi ni Enriquez na bagamat walang ulat na nasa­lantang ari-arian, posible naman ang aftershocks.

Show comments