First Gentleman nakalabas na sa St. Luke's

MANILA, Philippines - Nakalabas na kaha­pon sa St. Luke’s Medical Center si First Gentleman Jose Miguel Arroyo at sinundo mismo ito ni Pangulong Arroyo.

Sinabi ni Dr. Juliet Cervantes sa pinaka­huling medical bulletin, remarkable ang mabilis na pag­galing ni FG Arroyo matapos itong maospital noong nakaraang linggo dahil sa pananakit ng likod at hirap sa pag­hinga.

Pinayuhan naman ni Dr. Cervantes si FG na iwasan muna ang pagbu­buhat ng mabibigat na bagay, pagkain ng ma­alat, matataba at pag­kaing mataas ang calories para maiwasan ang pagtaas ng kanyang blood pressure.

Inirekomenda din na regular na sumailalim sa rehabilitation ang Unang Ginoo sa ospital.

Samantala, aalis nga­yon si Pangulong Arroyo patungong Hanoi, Vietnam upang dumalo sa ASEAN Summit.

Itinalaga si Vice-President Noli de Castro bilang caretaker ng gobyerno.

Show comments