^

Bansa

Ballot folder kinansela

-

MANILA, Philippines - Kinansela na lamang ng pamunuan ng Commission on Elections ang awarding at delivery ng P690-milyong kontrata para sa “ballot secrecy folders” na gagamitin sana sa May 10 automated elections.

Kasunod na rin ito ng pagbubunyag ni Senate Minority Leader Aquilino Pimentel Jr. na nagsabing bawat isang ballot secrecy folder na gagamitin ng Comelec ay overpriced at nagkakahalaga ng P380 bawat isa.

Lumilitaw na inireko­menda ng Bids and Awards Committee ng Comelec noong Marso 8 ang pag-a-award ng kontrata sa OTC Paper Supply company upang siyang magsuplay ng 1,815,000 pirasong ballot secrecy folder na may habang 25 pulgada bawat isa, para sa eleksiyon.

Kaagad namang bi­nawi ng Comelec ang kon­trata matapos na madis­kubre sa ginawang re-deliberation na sob­rang “garbo” ng mga naturang folder kumpara sa ordinar­yong folder na siyang kinakailangan lamang ng Comelec.

Ayon kay Comelec Chairman Jose Melo, pagkakamali nila ang pag-award ng P700-million contract sa OTC Paper Supply na isa uma­nong questionable firm.

Iginiit ni Melo na mas­yadong mataas ang presyo ng bawat folder bagama’t sinasabing hindi ordinar­ yong folder ang mga ito. (Doris Franche / Mer Layson)

AYON

BIDS AND AWARDS COMMITTEE

COMELEC

COMELEC CHAIRMAN JOSE MELO

DORIS FRANCHE

FOLDER

MER LAYSON

PAPER SUPPLY

SENATE MINORITY LEADER AQUILINO PIMENTEL JR.

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with