MANILA, Philippines – Sa kabila ng pagtutol ng simbahang katoliko sa pamamahagi ng condom ng Department of Health, su muporta naman kay Health Secretary Esperanza Cabral ang non-government organization na Catholics for Choice hinggil dito.
Ayon kay Catholics for Choice President Jon O’ Brien, hindi matatawaran ang pagpupursige ni Cab ral na maisalba ang buhay ng isang tao kasabay ng paglaban sa pagkalat ng HIV at AIDS epidemic.
Sinabi ni O’Brien na hindi lamang gumawa ng ingay ang pakikipagdebate ni Cabral sa mga pari at obispo kundi mas binigyang-daan nito ang publiko na maging alerto at magkaroon ng sapat na impormasyon hinggil sa paglaban sa naturang sakit.
Mananatili aniya ang kanilang paninindigan na ang paggamit ng condom ay para maiwasan ang pagkalat ng HIV/AIDS at iba pang sexually-transmitted diseases dahil ang bawat isa ay madaling kapitan ng impeksiyon. - Doris M. Franche