19 Pinoy dinukot ng pirata

MANILA, Philippines – May 19 tripulanteng Pilipino na naman ang naidagdag sa tala ng mga bihag ng mga pirata matapos i-hijack ang kanilang sinasakyang barko sa Somalia, ayon sa report na tinanggap ng Department of Foreign Affairs kahapon.  

Sa inisyal na report na nakalap ng Embahada ng Pilipinas sa Nairobi, ang 19 Pinoy seafarers at kasama pang limang Koreano ay sakay ng Marshall Island-flagged at South Korean-owned cargo vessel MV Samho Dream nang harangin ng mga armadong piratang Somali habang naglalayag sa karagatang sakop ng Somalia.   Base sa ulat, ang barko ay patungo sa Louisiana, USA mula Iraq nang masabat ng mga pirata. - Ellen Fernando

Show comments